Advertisers

Advertisers

Brownlee ng Kings ang sakalam kontra Hotshots

0 175

Advertisers

Laro sa Miyerkules
Ynares Antipolo
(3:00pm) Phoenix vs. Rain or Shine(5:45pm) San Miguel vs. NorthPort

Masasabing isa na sa pinakamagaling na performing imports si Nick Rakocevic sa liga ngayon.

Pero hindi pa rin matatawaran ang wisyo ni Justin Brownlee na may kakayahang ikomando ang laro kung kinakailangan.



At ito’y muling pinatunayan ni Brownlee Linggo ng gabi at hilahin ang Barangay Ginebra na makaisa kontra karibal Magnolia sa unang pagkakataon sa mahabang panahon galing sa likuran para tabigin ang 103-97 panalo sa MOA Arena sa Pasay City.

Humalibas ang Ginebra champion import ng 26 points at 12 rebounds, at higit na importante winasiwas ang tusong laro sa endgame kung saan ang Kings ay naghatid muli sa ibabaw ng .500 mark para sa ikatlong panalo at dalawang talo.

Binasag ni Brownlee ang 97-all deadlock mula sa isang jumper, sinupalpal ang tira ni Rakocevic at selyuhan ang panalo sa bisa ng dalawang free throws mula sa Hotshots import may 21.2 tikatik.

May sariling double-double game si Jamie Malonzo na 18 markers at 14 boards at Scottie Thompson (14), Christian Standhardinger (14) at Japeth Aguilar (13) ay may kanya-kanyang mahalagang ayuda para sa Kings na naglarong naghahabol sa halos kabuuan ngunit nabuhayan sa huling kanto para dambungin ang giyera mula sa dating walang talong Hotshots.

Sa pagkatalo, nabahiran ang Magnolia sa dating makinis na kartada (5-1) tungo sa ikalawang puwesto sa likuran ng bagong PBA Commissioner’s Cup elims frontrunner Bay Area Dragons (6-1). (Louis Pangilinan)