Advertisers

Advertisers

Escorial, maaabsuwelto kapag ginawang state witness sa Lapid slay case – IBP

0 187

Advertisers

POSIBLE na maabsuwelto ang self-confessed gunman na si Joel Escorial kapag ginawang state witness laban sa may pakana ng pagpatay sa hard-hitting radio commentator na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Ito ang reaksyon ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) national president Burt Estrada nitong Linggo kaugnay ng naging pahayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring gawing testigo ng gobyerno si Escorial saka-ling makapagbigay ng impormasyon sa ikatutukoy ng mastermind sa krimen.

“‘Pag pinayagan ng korte ay siya’y madi-discharge at ito’y equivalent na sa isang acquittal kung siya’y magte-testify talaga mama-ya ‘pag tatawagin na siya ng korte upang ibigay ang kanyang testimonya ukol sa kung anong alam niya doon sa kaso,” sabi ni Estrada.



“Kung halimbawa, papasa siya doon sa mga requirements. Isa pala sa additional requirements doon is hindi siya ‘yung pinaka-guilty, he’s not the most guilty sa mga akusado at hindi pa siya convicted ng crime involving moral turpitude kasi that would mean na maaaring siya ma-acquit kahit na aaminin niya [na] meron siyang kasalanang ginawa pero dahil siya ay ‘least guilty’ at may ituturo siya na mas guilty doon sa crime at ang testimonya niya lang ang maaaring makapag-prove,” banggit nito.

Nilinaw din nito na maaari ring maghain ng mosyon sa hukuman ang pamilya ni Mabasa upang humiling ng independent autopsy sa bangkay ng unang umano’y “middleman” na si Crisanto Villamor, Jr..

“Whether on not maga-grant ng korte ay nasa discretion po ‘yun ng korte if it’s really essential doon sa kaso na pending,” aniya.

Kamakailan, lumabas sa paunang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang tama ng bala at anumang external physical injury sa labi ni Villamor.

Si Villamor ay namatay sa National Bilibid Prison (NBP) Hospital nang umano’y “mawalan ng malay” habang nakapiit sa NBP.



Namatay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial kungsaan sinabi nito na si Villamor ang nag-utos sa kanyang grupo na patayin si Mabasa.

Napatay si Mabasa nang barilin sa loob ng kanyang kotse sa BF Resort Village sa Las Piñas noong Oktubre 3.