Advertisers

Advertisers

Kaso sa Lapid slay ‘di pa sarado – DoJ

0 180

Advertisers

BINIGYANG diin ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na hindi pa sarado ang kaso ni Percy ‘Lapid’ Mabasa .

Ang pahayag ng kalihim ay matapos sabihin ni Southern Police District (SPD) Director Brig. General Kirby Kraft na “case closed” ang kaso.

Ayon kay Remulla, hangga’t hindi alam ang lahat ng detalye at hindi pa kumpleto ang mga testimonya, hindi pa masasabing sarado na ang kaso.



Napaka importante din, aniya, ng mga ebidensya at kailangan ito para masabing sarado na nga ang kaso.

Binigyan diin din ni Remulla na patuloy parin ang paggulong ng kaso ni Lapid

Aniya, nakarating na sa kanyang opisina ang mga bagong pangalan na lumulutang na posibleng sangkot sa nasabing krimen. Nakatakda nila itong isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang iba pang impormasyon.

Kaugnay nito, natapos na rin ang preliminary investigation sa kaso, kungsaan pinanumpaan ni Joel Escorial ang kanyang ‘extra judicial confession’ habang nagsumite naman ng bagong ebidensya ang mga pulis ng resulta ng ballistic examination na nagpapatunay na si Escorial nga ang pumatay kay Lapid. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">