Advertisers

Advertisers

Mga fixer sa social media ‘wag tangkilikin – LTFRB

0 221

Advertisers

INABISUHAN ng Land Transportation Office ang publiko na huwag tangkilikin ang mga alok na serbisyo ng mga fixer sa social media sites.

Ito ay kasunod ng pagkalat ng mga post sa social media kung saan nag-aalok ang ilang mga fixer na sila na ang maglalakad ng lisensya ng kanilang mga kliyente para hindi na nito kailangang sumipot sa mga opisina ng LTO.

Ayon kay Atty. Alex Abaton, Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary, marami na silang kinasang operasyon kasama ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police laban sa mga fixers. Pero aminado siyang may mga nakalulusot pa rin sa kanila.



Paliwanag ng abogado, maaari ring parusahan sa ilalim ng batas ang mga tumatangkilik ng serbisyo ng mga fixer.

Ayon kay Abaton, ang sinumang mahuling gumagamit ng pekeng lisensya ay maaring pagmultahin ng P3,000. Hindi rin siya papayagang makakuha ng tunay na driver’s license o makakapagmaneho sa loob ng isang taon.