Advertisers

Advertisers

Nakakulong na pulis nagtangkang magpakamatay

0 255

Advertisers

ISANG pulis na suspek sa pagnanakaw ang nagtangkang kitilin ang sariling buhay habang nasa kustodiya ng pulisya sa General Trias City, Cavite.

Ayon sa Cavite Police, si Lieutenant Reynaldo Afable ay humiling na gagamit ng comfort room 2:40 ng hapon nitong Linggo, Oktubre 23. Nang nasa loob na ito ng kubeta, nagsaksak ito ng gunting sa leeg.

Nakuha umano sa loob din mismo ng istasyon ng pulis ang naturang gunting.



Agad na dinala si Afable sa Divine Grace Medical Center upang mabigyan ng atensyong medikal, at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Sa ulat ng mga imbestigador, si Afable na aktibong miyembro ng pulisya, ay isa sa mga suspek sa nangyaring pagnanakaw sa isang subdivision sa lungsod nitong Oktubre 18 kungsaan kinuha ng mga ito ang 9mm pistol ng biktima at sari-saring alahas na nagkakahalaga ng P1-milyon.