Advertisers

Advertisers

P1.9B paunang bayad sa pagbili ng Russian military helicopter inaasahang mababawi

0 207

Advertisers

MALAKING budget ang inilaan ng pamahalaan para sa pagbili ng military helicopters.

Sa katunayan, ayon kay Rep. Nonoy libanan, nakapagbigay na ng paunang bayad ang Phil. Govt. ng nasa P1.9B para dito nitong nakalipas na Enero ng taong kasalukuyan, isang buwan bago ang Russia-Ukraine war.

Ngunit dahil aniya sa gulo sa pagitan ng dalawang bansa at maaaring ipinataw din na US-Sanctions, kaya’t nakansela ang nakatakda sanang pagbili ng bansa ng Russian military helicopters.



Dahil dito umaasa ang mambabatas na mababawi pa ang paunang ibinayad ng nakalipas na administrasyon, partikular na nakabase aniya ito kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., mayroon nang nakuhang alternatibong suplay mula sa Amerika ang pamahalaan. (Henry Padilla)