Advertisers

Advertisers

Pulis ninakawan ang nililigawan

0 196

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw ang isang pulis nang puwersahang agawin nito ang bag ng kanyang nililigawan at tutukan pa ng baril ang kaibigan nitong lalaki sa Purok-3, Barangay Mabinit sa Albay.

Kinilala ang pulis na si Corporal Nelson Copino, Jr., 37 anyos, may-asawa, ng Brgy. Libjo, Tiwi, Albay, at nakatalaga sa Malilipot Police Station.

Ang biktima ay kinilalang si Elsa Cabaco Lunas, 24, dalaga, ng Brgy. San Isidro Ilawod, Malilipot; at kaibigan nitong si Mark Allen Agao Lodana, 33, ng Brgy. Mabinit, Legazpi City.



Sa ulat, 7:10 ng gabi, nakuha bilang isa sa judges si Lunas sa Eco Fashion Show sa covered court ng barangay. Ilang sandali, tumayo ang biktima at nagpunta sa bahay ni Lodana para mag-retouch ng make up.

Sumunod ang pulis at sapilitang inagaw ang dalang bag ng biktima na may lamang pera, ATM cards, cellphone at iba pang mahahalagang identification cards (IDs).

Sinubukang lumapit para tumulong ni Lodana, pero tinutukan umano siya ng baril ni Copino.