Advertisers

Advertisers

Suspendidong Bucor chief, sasampahan ng kaso?

0 177

Advertisers

PINAG-IISIPAN na ng kampo ng hard-hitting radio commentator at tabloid colmunist na si Percy Mabasa, mas kilala sa Percy Lapid, na sampahan ng kasong ‘administratibo’ at ‘kriminal’ ang sinuspindeng Bureau of Correction (BuCor) Director General na si Gerald Bantag .

Ayon kay Atty. Bertini Causing, abogado ng pamilya Mabasa, gagamitin nilang basehan ang pahayag ng self confessed gunman na si Joel Escorial.

Sinabi ni Causing na kung hindi dahil sa kapabayaan ni Bantag, hindi makakapasok ang cellphone sa loob ng bilibid at walang magagawang transaksyon para mapatay si Mabasa.



Ito aniya ang magiging dahilan ng administrive case laban kay Bantag, maliban pa sa posibilidad na criminal case na ‘reckless imprudence resulting to murder’.

Wala namang tinukoy si Causing kung kelan nila planong isampa ang kaso laban kay Bantag.

Kasabay nito nagpapasalamat ang pamilya Mabasa sa ginawang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos na suspindihin si Bantag sa pwesto. (Jocelyn Domenden)