Advertisers

Advertisers

2 parak huli sa kotong sa hinuling drug suspect

0 307

Advertisers

DINAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang dalawang aktibong pulis at dalawang sibilyan na nangotong sa isang ginang na hinuli ng mga ito sa kasong droga sa Cainta, Rizal

Kinilala ang mga inaresto na sina Sr. Master Sgt. Michael Familara, 47 anyos, desk officer ng Sub-Station 7 ng Station 2 (Pasig) ng Eastern Police District (EPD); Cpl. Nathaniel San Buenaventura, 30, beat patroller ng nasabing police station; at 2 sibilyan na sina Juan Carlo Fernandez Zapanta at Carl Gorgonio Anito.

Ayon kay Brig. General Warren De Leon, direktor ng PNP-IMEG, 9:00 ng gabi nang isinagawa ang entrapment operation ng kanilang operatiba sa Cainta.



Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng isang inaresto umano ng 4 katao sa loob ng kanyang bahay noong Oct. 18 at kinuha ang kanyang pera na P10,000 at alkansiya ng kanyang anak. Inaresto ang complainant sa kasong iligal drugs at dinala sa bisinidad ng Pasig City Police Station nguni’t hindi ikinulong.

Naghingi ng P100,000 ang mga suspek sa biktima hanggang sa magkasundo sa P10,000 kapalit ng ‘di pagsasampa ng kaso laban sa huli.

Nang makapagbigay ng P6,000 ang biktima sa pamamagitan ng GCash, ibinalik siya sa kanyang bahay noong Oct. 19. Pero muli siyang tinawagang mga suspek at hinihingi ang kakulangan na P4,000, kaya’t nagtungo ito sa bahay ng kanyang anak sa Taquig City at ipinagtapat ang insidente . Nagtungo sila sa pulisya upang humingi ng tulong noong Oct. 23.

Isinagawa ang operasyon nang mag-text ang isa sa mga suspek na kukunin nito ang kakulangang halaga base sa kanilang napagkasunduan.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">