Advertisers
AABOTsa P20 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa sa isang foreign national sa isang resort sa lungsod ng Las Piñas, Lunes ng gabi.
Isinagawa ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal drugs ang operasyon sa Brgy. Pamplona Uno.
Unang nakakakuha ng impormasyon ang ang mga otoridad na may dalang mahigit tatlong kilo ng iligal na droga ang banyaga na nakalagay sa kanilang bag.
“This is an interdiction operation against foreign nationals who exploit the freedoms of our society and countrymen by asking them to transport illegal drugs,” ayon kay NBI agent Henry Kanapi.
Hindi pa inilabas ng mga otoridad ang pangalan ng naarestong banyaga.