Advertisers
HINATULAN ng ‘Guilty’ ng Sandiganbayan 3rd Division si retired Philippine Navy rear admiral Gilmer Batestil sa maanomalyang medical procurements mula 1990 to 1991.
Sa 586-page decision ng anti-graft court na ipinahayag noong September 16, 2022, si Batestil ay hinatulan mabilanggo ng 6-10 years sa bawat isang kaso ng ‘Graft’ (16 counts) at 12-18 years sa bawat kaso ng ‘Malversation’ (20 counts), at pinagbabayad pa ng P17.093 million sa halagang kanyang dinambong.
Lahat-lahat, si Batestil ay makukulong ng halos 520 years (160 yrs sa graft at 360 yrs sa malversation).
Sinabi ng korte na pinayagan ni Batestil na makuha ang public funds sa pagpirma ng purchase orders at disbursement vouchers kaya nabayaran ang mga item.
Sinintensiyahan din ng korte ang private individual na si Edna Gianan, representative ng private supplier, ng pagkabilanggo sa mga kasong graft at malversation at pinagmumulta ng P7.699 million.
“Here, the acts of accused Batestil in signing the subject POs and DVs and the acts of accused Gianan in signing the POs and DVs and thereafter encashing the checks show the concurrence of will and unity of purpose between the said accused in defrauding the government,” saad ng korte na isinulat ni Presiding Justice at Division Chairperson Amparo Cabotaje-Tang, sa tulong nina Associate Justices Bernelito Fernandez at Ronald Moreno.
Ang kaso ay nag-ugat sa special audit nina Commission on Audit state auditors Jeremia Lagunda, Melba Acquabera at Mila Lopez.
Diin ng korte, pinayagan ni Batestil si Gianan na makakuha ng pera sa gobyerno sa pamamagitan ng pagpeke s amga dokumento para palabasing nagkaroon ng deliveries sa purchased items.
“The truth, however, is that there were no deliveries at all,” sabi ng korte.
Sa orihinal na informations ay kabilang si Flag Officer-In- Command Vice Admiral Mariano Dumancas, Jr. na nasawi habang isinasagawa ang trial.
Ang mga kaso laban kina dating Capt. Walter Briones, chief accountant Nora Ginto, Capt. Antonio Paginag, Lt. Francisco Mata, LDCR Primitivo Campos, Commodore Ruben Dela Cruz, Rogelio Tuble at Juanito Sanada na nanatiling at-large, ay inilagay sa archived.