Mayor Honey, nakabalik na ng Maynila
Advertisers
NAKABALIK na ng Maynila si Mayor Honey Lacuna mula sa kanyang matagumpay at mabungang biyahe mula Buenos Aires, Argentina. Dahil dito ay pinangunahan niya ang unveiling ng mga newly-refurbished portraits ng Manila mayors, launching ng coffee table book at grand opening ng Manila City Hall Clock Tower Museum.
Ito ay bilang pagtatampok na rin sa pakikilahok ng lungsod sa selebrasyon ng bansa para sa Museum and Galleries Month. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng lungaod at ng mga magulang ni Lacuna na sina dating Vice Mayor Danny Lacuna at maybahay na si Inday at pati na rin ang mga kapatid na sina Councilors Philip at Lei Lacuna.
Sa kanyang maikling mensahe ay sinabi niya na: “Pasisinayaan natin ang inayos na Bulwagang Rodriguez kung saan natatampok ang mga ginuhit na larawan ng mga naging Punong Lungsod ng Maynila. Sila, na mga nagsilbing matitibay na haligi na nagtaguyod sa ating lungsod sa nakalipas na 451 taon ng pagkakatatag ng pangunahing lungsod at kapitolyo ng bansa. Ang bawat larawan ay may kalakip na salaysay na nagpapakilala sa mga mahahalagang legasiya ng ating mga nagdaang Alkalde, mga bagay na dapat nating alalahanin at bigyan ng pagpapahalaga.
Idinagdag pa nito na :“Anuman tayo ngayon ay bunga ng paano nila tayo pinamunuan noon. Sadyang nakatataba ng puso na bilang kasalukuyang punong lungsod ay maisasama na rin ang aking larawan sa kanilang hanay. Buong kababaang loob akong nagpapasalamat sa lahat ng kapwa nating Manilenyo na nagtiwala at nagbigay sa atin ng karangalang ito. At sa wakas, may larawan na rin ng isang babae ang maitatanghal sa bulwagang ito. Sa bawat sandali naman na makikita kong nakasabit ang larawan ko, malaking hamon ang aking pinagsisikapang harapin at ramdam ko ang lawak ng aking gampanin. Nagsisilbi itong inspirasyon upang pagbutihin pa natin ang pagtupad sa ating tungkulin.”
Nagpahayag naman ng pagmamalaki si Vice Mayor Yul Servo sa kanyang pagtatrabaho katuwang ang kauna-unahang babaeng allalde ng lungsod at kung paano niya napanalunan ang puso ng mga Manileño kung saan nanalo ito nang napalaking kalamangan sa kanyang katunggali noong nakaraang eleksyon.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing paglulunsad ng coffee table book, na may titulong: “Portraits of the Mayors of Manila, “A Book of Honor and Service” ay layuning magpahayag ng pasasalamat sa mga nakalipas na lider ng Maynila.
“Makikita natin dito ang ilang mga larawan na magpapaalala sa atin kung paano kumilos, maghatid ng serbisyo, makisalamuha sa publiko at pangasiwaan ang lungsod ng mga dati nating Mayor,” sabi ni Lacuna.
Sa kanyang bahagi naman ay sinabi ni tourism chief Charlie Dungo sa nasabing pagtitipon na: “a manifestation of how our mayor value gratitude and how it can also be a vehicle to pursue the artistic talents of the Manileños.”
“Our department is in debt to our local chief executive as these were all her ideas that we laboriously worked on as we took advantage of her love for the arts. Seldom do we find leaders who, aside from competently addressing the needs of the constituents, would also be concerned to the pursuance of our well-being. Culture and the arts are valuable to our character and aspirations, so much so that it should also be given ample attention by our government.” dagdag pa ni Dungo.
Samantala, inanunsyo na rin ni Lacuna na bukas na sa publiko ang Manila City Hall Clock Tower.
Sinabi pa nito na ang museum ang magiging sariling sentro ng lungsod para sa sining at lagakan ng mga artifacts upang magbigay paalala sa 451 taon ng mayamang kultura at kasaysaya ng lungsod ng Maynila.
“Sadyang mahalaga ang pagkakaroon ng mga museo at galleria upang buhayin ang ating kamalayan sa kasaysayan, kaganapan, at mga kuwento ng nakaraan. Ito ay nagsisilbing tulay natin sa nakalipas at batayan natin sa kung saan natin dadalhin ang kasalukuyan patungo sa darating na panahon.,” dagdag pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)