Advertisers
KUWESTIYUNABLE para kay Philippine National Police (PNP) chief, General Rodolfo Azurin, Jr., ang timing ng pagkamatay ng sinasabing “middleman” sa pamamaslang kay Percy Lapid.
Sinabi ni Azurin na maaaring nakapagbigay si Jun Villamor ng mahalagang impormasyon sa mga imbestigador kung sino ang nag-utos patayin si Lapid.
“It’s too much of an incident. It’s an unfortunate incident but the timing is questionable,” saad ni Azurin.
Matapos kasing ilantad ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na si Villamor ang kumontak sa kanya para patayin si Lapid, bigla namang namatay ang huli habang nakakulong sa New Bilibid Prison.
“We were almost there, isn’t it? We have the triggerman, we have the pieces of evidence and we were almost there to talk to the middleman and this happened.
“I don’t know if that was accidental because he was the person we were looking for, we wanted to talk to,” sambit pa ng PNP Chief.
Paliwanag ni Azurin, sa kaniyang pagbisita sa Bilibid nang siya pa ang police captain, imposible aniya para sa isang deprived of liberty (PDLs) na matulog ng tanghali sa piitan dahil congested ito.
Ikinokonsidera din ni Azurin ang posibilidad na may isang indibidwal mula sa Bilibid ang pumatay sa middleman.
Una rito, base sa initial findings, sinabi ng Bureau of Corrections na walang nakitang bakas ng physical injuries sa katawan ni Villamor.
Nilinaw ni Azurin na hindi inirerekomenda ng PNP si Escorial na maging ‘state witness’ sa kaso at ilagay sa Witness Protection Program.
Ang Department of Justice na aniya ang magdedesisyon kung ilalagay si Escorial sa WPP, at ang PNP ang gagawa ng rekomendasyon hinggil sa naturang usapin.