Advertisers

Advertisers

Sen. Hontiveros pinatitiyak ang kaligtasan ng pamilya ni Percy Lapid

0 162

Advertisers

HINILING ni Senador Risa Hontiveros sa pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng naulilang pamilya ni Percy Lapid, Percival Mabasa sa tunay na buhay, ang brodkaster na pinatay noong Oktubre 3.

Ito ang inihayag ni Hontiveros nang dalawin ang naulilang pamilya base na rin sa kahilingan ng mga ito.

Ayon kay Hontiveros, agad na ipinaalam sa kanya ng pamilya ang mga natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.



“Nangangamba ang buong pamilya ni Percy. Ang mga anak ni Percy ay pinapadalahan ng mga pagbabanta sa Facebook o sa personal nilang mga cellphone numbers,” sabi ni Hontiveros.

Hindi rin umano siya kumbinsido na maitutu-ring na naresolba na ang kaso ng pagpatay kay Lapid.

Maging ang naulilang pamilya ay hindi sang-ayon sa naging pahayag ng pambansang pulisya na naresolba na ang kaso.

Matatandaang ang mga pagbabanta sa pamilya Mabasa ay unang isinapubliko ni Roy Mabasa, kapatid ng biktima. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">