Advertisers
ALL-SET na ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aalalay sa mga bibiyahe ngayong Undas.
Asahan na raw kasi ang pagbuhos ng mga pasahero lalo na’t ito’y isa ring long weekend.
Pahayag ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III, magde-deploy ang mga ito ng 1,500 personnel para magpatupad ng security measures at “orderliness” sa Undas ngayong taon.
Ang mga personnel daw mula sa Traffic Discipline Office, Road Emergency Group, Metro Parkways Clearing Group at Task Force Special Operations at ide-deploy sa ilang lugar sa Metro Manila mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2.
Maliban sa mga bus terminals, sinabi nitong ang mga traffic personnel ay ide-deploy din sa mga major roads na patungo sa mga sementeryo at transportation hubs dahil sa inaasahang pagbuhos ng libo-libong tutungo sa kanilang mga probinsiya.
Una rito, muling binigyang diin ng MMDA acting chairman na ipatutupad nila ang “no absent, no day off” policy para sa kanilang mga traffic enforcers ngayong Undas.
Suspendido rin umano ang number coding sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 na pareong special non-working holidays.