Advertisers

Advertisers

26 sugatan sa lindol sa Ilocos Norte

0 150

Advertisers

INIULAT ng Ilocos Norte Provincial Police Office na nakapagtala sila ng 26 sugatan sa lalawigan sanhi ng lindol nitong Martes ng gabi, na ang sentro ay ang katabing lalawigan ng Abra.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, pinakamarami ang naitalang sugatan sa bayan ng Marcos, 13; habang 8 sa Dingras, 3 sa Batac, isa sa San Nicholas, at isa sa Laoag.

Sampung biktima ng lindol ang nailigtas ng mga pulis kungsaan 4 dito ang nasagip mula sa rescue operations sa isang dormitoryo sa Batac, Laoag at ang 6 mula sa mga kabahayan sa Dingras.



Nagtamo ng pinsala ang mga tirahan at simbahan sa lindol.

Sa ulat, hindi nakaligtas ang simbahan ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa La Paz, Abra . Gumuho ang ilang bahagi ng pader at kisame ng simbahan.

May mga tirahan din na napinsala katulad na lamang ng isang bahay sa Dingras, Ilocos Norte na nagkabasag-basag pa ang mga gamit sa loob kabilang ang ceramic items.

Naka-deploy na ang 150 search and rescue teams mula sa iba’t ibang istasyon sa lalawigan para sa nagpapatuloy na operasyon.

Samantala, naka ka-full alert ang Ilocos Norte PPO, kasabay ng pagsasagawa ng inspeksyon sa mga napinsalang pasilidad sa lalawigan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">