Advertisers
ITINANGGI ng suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief na si Gerald Bantag na sangkot siya sa pamamaslang kay Percival “Percy Lapid” Mabasa.
“Wala po. Anong mapapala ko diyan?” ani Bantag.
“Nagtagal na tayo sa BuCor, ang dami namang bumatikos sa ating mga blogger na ganyan. Wala namang namamatay na ganoon,” dagdag niya.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), kabilang si Bantag sa 160 indibiduwal na persons of interest sa pagpaslang kay Lapid.