Advertisers

Advertisers

HONTIVEROS INILANTAD SA MEDIA ANG MGA TEXT MESSAGES AT TAWAG NG PAGBABANTA SA PAMILYA MABASA

0 163

Advertisers

Ipinakita ni Senadora Risa Hontiveros sa mga mamamahayag sa senado sa pamamagitan ng power point presentation ang mga text messages at tawag ng pagbabanta sa pamilya Mabasa.

Ang naturang mga ebidensya ng pagbabanta ay ibinigay mismo ng pamilya Mabasa sa kanyang pagtungo sa tahanan matapos humingi ng tulong sa senadora ang pamilya.

Sa naturang powerpoint presentation pinarinig at ipinakita sa mga mamamahayag ang coversation ng isang tao na nagpakilalang mula sa bilibid sa kapatid ni Percy Lapid nasi Roy Mabasa kung saan nanghihingi ng pera o P1 Milyon kapalit ng impormasyon at mga ebidensya na magdidiin kay dating Bureau of Correction Director Gerald Bantag sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag



Matapos na i-block ito ni Roy ang dalawang anak naman ni Percy ang kinontak ng naturang indibidwal at matapos na hindi makuha ang hinihingi nagbanta narin ito sa pamilya Mabasa na mag-ingat sa kanilang buhay.

Dahil dito sinabi ni Hontiveros na kanilang isusumite ang mga nakalap na ebidensya mula sa pamilya Mabasa sa PNP at NBI upang magamit sa isinagawang imbestigasyon.

Muli nanawagan si Hontiveros sa otoridad at gobyerno na mas lalong patindihin ng pagbibigay ng seguridad sa pamilya Mabasa . (CESAR MORALES)