Advertisers

Advertisers

Pagbuhay sa death penalty igniit dahil sa ‘Jail Conspiracy’ sa pagpatay kay Percy Lapid

0 212

Advertisers

TANGING ang pagbuhay sa death penalty ang nakikitang konkretong solusyon ng isang mambabatas upang matuldukan na ang mga kaso ng pagpaslang sa mga inosente at mga mamamahayag gaya ni Percy Lapid.

Ayon kay Cong. Benny Abante Jr., kung hindi kayang pigilan ng bilangguan ang paggawa ng krimen ng isang kriminal, tama lamang na buhayin na ang parusang kamatayan sa bansa.

Ginawa ni Abante, ang panawagan kasunod ng mga detalyeng lumabas sa salaysay ng suspek na si Joel Escorial na siyang bumaril at pumatay kay Percy Lapid.



Pahayag ng mambabatas, nakasaad sa kanyang iniakdang House Bill No. 4121 o mas kilala bilang Death Penalty Law, na maaring mapatawan ng parusang kamatayan ang mapapatunayang sangkot sa mga kasong murder, treason, drug trafficking, at plunder.

Patunay lamang ani Abante na hindi na sapat ang piitan upang pigilan ang mga kriminal sa paggawa ng panibagong krimen, ito’y matapos lumutang sa kaso ni Lapid ang anggulong nagkaroon ng sabwatan sa loob ng bilangguan o “Jail Conspiracy.”

Matatandaan aniya na base sa naging pag-amin ng gunman na si Escorial, na isang inmate na nagngangalang Crisanto Palana Villamor ang nag-utos sa kanya na patayin si Lapid.

Makalipas naman ang isang araw nang pagsuko ni Escorial, agad na napaulat na pumanaw ito sa di malamang dahilan sa loob ng bilangguan at sinasabing middleman na si Villamor.

Hindi lamang ito ani Abante ang unang pagkakataon na may mga nadidiskubreng krimen na kinasasangkutan ng mga preso o mga bilanggo.



Sa mga ganitong uri ng kaso, iginiit ng mambabatas, na tanging parusang kamatayan lamang ang tiyak na makapipigil sa ganitong uri ng insidente. (Henry Padilla)