Advertisers

Advertisers

Pari nakapagpiyansa kahit paulit-ulit hinalay ang dalagita

0 222

Advertisers

NAGAWANG makapagpiyansa ng isang pari na inakusahang paulit-ulit na gumahasa sa isang 16-anyos na dalagita sa Cagayan Valley.

Kinilala ang pari na si Karole Reward Israel. Hinuli siya ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Cagayan Valley Regional Office matapos ireklamo ng panggagahasa ng dalagitang si “Anna”.

Miyembro ng youth ministry ng St. Vincent Ferrer Parish ng Solana, Cagayan si Anna kungsaan nakabase si Israel.



Ayon sa biktima, tinatakot siya ng pari na ia-upload ang kanilang mga pribadong video na patago umanong kinunan ng huli, kung hindi siya papayag sa gusto nito.

Batay sa imbestigasyon, nagkakilala ang pari at ang biktima sa isang simbahan sa Solana, at palihim umanong niligawan ng pari ang dalagita.

Ayon kay NBI Deputy Spokesperson, Atty. Gertrude Paris Manandeg, nangyari ang pangmomolestiya umano ng pari sa biktima ng halos 20 beses sa iba’t ibang lugar.

Sa pahayag ng biktima, may pagkakataon na nangyari ang pananamantala ng pari sa loob mismo ng kumbento.

May nakita rin ang mga awtoridad ng files at videos na kasama ng pari ang pito pang biktima na ginawan din ng kahalayan.



“Ibig sabihin hindi lang po ang ating biktima’yung naging sangkot sa posibleng pananakot nitong subject,” sabi ni Manandeg.

Kinumpirma ng Archdiocese of Tuguegarao sa isang pahayag na pari nila ang suspek, na tinanggalan na nila ng priestly duties sa kanilang parokya habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Handa rin ang archdiocese na makipagtulungan sa mga awtoridad at magpaabot ng tulong sa biktima kapag napatunayan ang alegasyon

Patong patong na reklamo ang kakaharapin ng pari at kung mapatunayan ay maaring mahatulan ito ng habambuhay sa loob ng selda.