Advertisers
NAGKAROON ng magandang pag-uusap ang pagkikita ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., at Negros Oriental Gov. Henry Teves kamakailan sa Bacolod City.
Sa kabila ng kasalukuyang problema na dulot ng tila mali na palakad ng Commission on Election (Comelec) na pansamantalang naghinto kay Teves na pagandahin ang lalawigan, ay di naging hadlang sa malinis na hangarin sa Negros.
Sa pag-uusap ng dalawa, minungkahi ni Gov. Teves sa Pangulo ang hangad nito na mapalakas ang industrialization sa buong Negros Oriental at Occidental.
“Nabanggit ko sa ating mahal na Pangulo na magiging malaking bagay ang pagtutulak ng industrialization sa Negros. Lalo pa ang kanya ama na si dating Presidenteng Marcos Sr., ay nag alot dati ng geothermal energy sa Negros na sa tingin ko na kung hindi nagkaroon ng problema sa panahon nito ay naging prioridad ito,” sabi ni Teves.
“Sigurado ako na hindi lang sa Negros bagkus ay sa buong bansa ay makakatulong ito ng labis,” dagdag ni Teves.
Sinabi din nito na kung mabilis ma-i-tatama ng Korte Suprema ang kasong naka-binbin na hinain nito laban sa natalong gobernador na si Roel Degamo nung nakalipas na eleksyon, kasama ang 20 Mayors ng Oriental, sisikapin nila na mapabilis ang industrialization sa Negros.
Nagkaroon din ng pag-uusap si Gov. Teves at SAP Anton Lagdameo. Kung saan hiling din ni Teves na mabigyan ng linaw ang nakaraang lumabas sa balita na kung saan, kapangalan nito ang isa sa “sugar smugglers” sa bansa.
“Nabanggit ko din po kay SAP na dapat mabuo ang pangalan at identity. Since “Henry ” din po ang gamit ko. Ngunit ang isa na tinukoy ng ating Senadora Imee Marcos ay taga ibang Probinsya,” pahayag nito.
Sa kasalukuyan, nag-iintay si Teves ng desisyon sa SC upang mapatuloy ang magandang nasimulan nito sa Negros Oriental.
“Nang ako po ay nagkaroon ng matinding aksidente, kung saan ako ay madamay sa isang malakas na pag sabog. Nasabi ko na ang aking “second life” o dugtong na buhay na kaloob ng Dios ay aking gagamitin upang makapag silbi at makatulong sa mga tao, maging sa ekonomiya at bansa,” pagtatapos nito.