Advertisers
ARESTADO ang isang senior high school na estudyante nang makuhanan ng mahigit sa P1 million halaga ng shabu sa buy buy sa Pototan, Iloilo.
Kinilala ang nadakaip na si Lance Florida, 21 anyos, ng Rizal St., Pototan.
Isinagawa ang buy bust operation ng pinagsanib na mga elemento ng Iloilo Provincial Office Philippine Drug Enforcement Unit at Pototan Municipal Police Station sa Barangay Rumbang, Pototan.
Nasamsam ng mga operatiba sa estudyante ang nasa 150 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.
Sa ulat, kabilang si Florida sa mga high value individual na drug pusher sa nasabing bayan na isinailalim sa dalawang buwan surveillance bago isinagawa ng buy bust operation. (Mark Obleada)