Advertisers

Advertisers

31 PATAY, 7 MISSING SA BAHA AT LANDSLIDES SA MAGUINDANAO

0 174

Advertisers

NASA 31 katao ang nasawi at 7 ang missing sanhi ng  flashfloods at landslides dulot ng matinding pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Paeng sa lalawigan ng  Maguindanao.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Interior and Local Government  Minister, Naguib Sinarimbo,  nasa 16  na ang nasawi sa Datu Odin Sinsuat, 5  sa South Upi,  at 10  sa Datu Blah Sinsuat, habang 7  ang inulat na missing sa Datu Blah Sinsuat.



“Sa  data natin ay meron tayong 10 munisipyo including the City of Cotabato ang affected nung flooding and then may mga landslide din sa Datu Odin, Datu Blah, South Upi”, ani ni Sinarimbo.

Aniya, ang mga affected na Munisipyo “as of today as of this time, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Cotabato City, Datu Odin Sinsuat,  Datu Blah Sinsuat, South Upi, Northern kabuntalan, Guindulungan. tumaas yung tubig pero paunti unti simula kaninang madaling araw mga around 4 oclock ang talagang kasagsagan ng mataas yung tubig hanggang sa kaninang early morning.

“Nag-issue tayo actually ng advisory kahapon sa regional govt to the drrm na nagupdate tayo ng alert kahapon dahil sa bagyo so may mga preparations naman pero unfortunately ito talaga more than what people normally expects na rainfall, the whole night kasi umulan, hanggang ngayon meron pa ring ulan pero hindi kasing lakas nung kagabi so talagang malaki yung volume ng water”, saad ni Sinarimbo.

Isinaad ni Sinarimbo na halos 90 percent ng barangay sa Cotabato City ay mataas ang tubig baha, umabot ng bubong ng bahay, gayundin sa North Upi na karamihan sa mga poblacion ay lumubog sa tubig baha.

Sinabi ni Sinarimbo na itinaas na code red ang Alert  level  sa mga munisipyong apektao ng pagbaha, pag-activate ng Regional Emergency Operation Center, pagdeploy ng mga rescue team at paghahanda ng mga pagkain. (Mark Obleada)