Advertisers

Advertisers

First time! Aklan binaha ng hanggang bubong ng bahay

0 393

Advertisers

MAHIGIT residente ang inilikas sa Balete, Aklan nang umabot lagpas bubong ang baha sanhi ng malakas na ulang dala ng tropical storm Paeng, ayon sa ulat ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office.

Ayon kay Hera Grace Jimera, MDRRMO OIC ng Balete,  ito ang unang beses na nangyari ang pagtaas ng baha na umabot hanggang bubong ng mga bahay.



“Lagpas bubong ng kabahayan. Ngayon lang talaga sa buong buhay namin dito,” aniya.

Wala pang kuryente sa Balete at gumagamit lang ng generators ang ilang kabahayan. Walang naitalang casualties sa pagbaha matapos ilikas ang 915 katao sa mga mabababang lugar.

“Mabilis lang po ang paghupa pero nag-high tide ulit kagabi kaya tumaas ulit,” aniya.

“We are providing their meals. May stockpiling kami sa (local government unit). Kapag uuwi na sila, binibigyan namin ng foodpacks.”

Plano magrekomenda ng state of calamity ng mga opisyal ng bayan dahil sa tindi ng baha.