Advertisers
Maglalagay ang SWARM o Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc ng mga tanggapan maging sa iba’t ibang bansa kung saan maraming OFW.
Ayon kay Atty. David Castillon, founder ng SWARM, makakatulong nila rito ang mga foreign recruitment agencies.
Paliwanag ni Castillon, nais nilang baguhin ang imahe ng mga recruitment agency at makita sila bilang kakampi ng mga OFW
May humigit kumulang 5 libong Overseas Filipino Workers na mga household service workers ang biktima ng maltreatment.
Batay na rin sa datos ng Philippine Overseas Labor Offices, karamihan rito ay sa Gitnang Silangan na isa sa tinatawag na major destination ng mga OFW.
Nakapagtala rin ang POLO ng mahigit 20 libong paglabag sa kontrata sa mga OFW.
Kaya para mapigilan o kung hindi man ay maiwasan ng maulit ang mga ganitong paglabag sa karapatan ng mga mangagawang Pinoy sa abroad.
First time magsama sama mga recruitment agency at ofw na di na dapat nag aaway magkatuwang dapat sila at ang gobyerno upang mas mapapadali ang ugnayan.
Pagtiyak ni Castillon, sila mismo sa kanilang grupo ay mahigpit na babantayan ang kanilang mga myembrong agency para matiyak na ginagawa nito ang mandato para sa kapakanan ng mga OFW. (CESAR MORALES)