Advertisers

Advertisers

Nars pinatay ng aburidong ama ng pasyente

0 220

Advertisers

NASAWI ang isang nurse nang barilin ng naghuhurumintadong ama ng isa sa mga pasyente sa loob ng ospital nitong Miyerkoles sa bayan ng Datu Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Nelson Mantawil, registered nurse sa Dinaig District Hospital sa Dalican, Datu Odin Sinsuat.



Sugatan naman si Nerrisa Mantawil nang tamaan ng ligaw na bala.

Ang nakatakas na salarin ay kinilalang si Butch Manalao alyas “Butch Nur”, residente ng nasabing lugar.

Sa report ng DOS Municipal Police Station, 2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob mismo ng pagamutan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dumating si Manalao sa ospital kungsaan pasyente ang anak nito at umiinda ng matinding pananakit.

Kwento ng ilang saksi, naghahanap ng doktor na naka-duty si Manalao subali’t wala itong makita hanggang sa nagwala na ito.



Narinig  ng biktima ang pagwawala ni Manalao kaya hinarap niya ito para kausapin pero nauwi sa mainitang pagtatalo.

Pinagbabaril ni Manalao ng apat na beses ang nurse, tapos nagpaputok pa ito hanggang tinamaan si Nerissa, saka mabilis na tumakas nang hindi napigilan ng guwardiya ng ospital.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (MARK OBLEADA)