Advertisers
ARESTADO ang isang Norwegian national nang mahulihan ng walong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P56 million sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA, ulat ng Bureau of Customs nitong Biyernes.
Sinabi ni NAIA Customs Deputy Collector Lourdes Mangaoang na ang dinakip na pasahero ay si Rose Alex Moi na dumating sa NAIA bandang 11:00 ng gabi ng Huwebes sakay ng United Emirates Airlines flight EK 334 mula Dubai.
Ayon kay Mangaoang, ang bags at iba pang bagahe ng pasahero ay dumaan sa x-ray scanning kungsaan lumabas ang imahe ng iligal na droga.
“The baggage was subjected to 100 percent physical examination, where Customs personnel found white crystalline substances neatly packed in six plastics inside her travelling bag,” sabi ni Mangaong.
Sa field test na isinagawa ng mga operatiba ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirma ang initial findings na ang nakitang items ay positibong shabu.
Si Moi at ang droga ay itinurn-over sa PDEA para sa inquest proceedings.(JOJO SADIWA/JOCELYN DOMENDEN)