Advertisers
BINARIL sa ulo ng isang pulis ang kanyang misis nang pagbentangan itong may ibang babae sa Tanay, Rizal.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, provincial director ng Rizal PNP, ang salaring pulis na si Corporal Romie Gie Legasi, 35 anyos, nakatalaga sa Tanay Police Station.
Kinilala naman ang nasawi na si Rodaville Maguete, 31, live-in partner ni Legaspi.
Sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo 5:30 ng hapon ng Miyerkoles (Oktubre 26, ang mag-asawa. Nagseselos umano ang misis at pinagbentangan nito na may ibang babae ang mister. At sa gitna ng kanilang pag-aaway ay pinutukan ng pulis sa ulo ang misis. Dead on the spot.
Kaagad namang nadakip ng kanyang mga kabaro si Legaspi.(EDWIN MORENO)