Advertisers

Advertisers

Trike drayber pinatay ng pasahero

0 181

Advertisers

NASAWI ang isang tricycle driver nang barilin ng kanyang pasahero sa Purok 2, Barangay Rebe, Lala Lanao del Norte.

Kinilala ng Lala Police ang biktima na si Maristel Almojalias, binata, at residente ng Purok-4, Brgy. Poblacion,  Salvador.



Sa ulat, patungo ang biktima at salarin na kanyang pasahero sa Maranding. Pero pagdating sa Purok 2, dalawang beses na binaril ang driver gamit ang hindi pa mabatid na kalibre.

Agad  tumalon ang salarin, habang nakapagmaneho pa ang biktima at humingi ng saklolo.

Rumesponde ang mga tauhan ng Salvador Municipal Police Station sa pangunguna ni CMS John Eric C Reblinca at agad na dinala si Almojalias sa Kapatagan Provincial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">