Advertisers

Advertisers

3 ‘karnaper’ bulagta sa CIDG raid

0 201

Advertisers

Tatlong wanted persons na kasapi ng kilabot na carnapping syndicate ang napatay nang makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bayan ng Salipada K. Pendatun sa Maguin­danao del Sur noong Huwebes.

Kinilala ang mga napatay sa shootout na sina Dang Mamedtad, Cosme Malawan at Ronald Oriol.



Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, aarestuhin na sana ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang target sa operasyon na si Jehar Siya sa Barangay Midkundig ng nasabing bayan nang pumalag umano ito at mga kasamahan na nagresulta sa umaatikabong palitan ng putok.

Sa rekord, kabilang si Siya sa nakatalang wanted person dahil sa mga carnapping cases na nakabinbin sa mga korte. Nagawa makatakas ni Siya sa kasagsagan ng operasyon habang napatay ng mga miyembro ng CIDG-Bangsamoro Regional Field Office ang tatlo nitong kasamahan.

Sinabi ng mga lokal na opisyales na sangkot din si Siya sa large-scale trafficking ng shabu sa Salipada K. Pendatun at iba pang kalapit na mga bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">