Advertisers
Labis labis na pasasalamat ang ipinarating ni House Speaker Martin Romualdez sa mga Volunteers na hindi kinakitaan ng pagod sa pagtulong sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng na hanggang sa ngayon ay patuloy ang ginagawang relief drive.
Bukod sa mga Volunteers ay nais ring pasalamatan ni Romualdez ang mga nagbigay tulong pinansiyal at iba pang materyal na gamit kung kaya’t umakyat na sa humigit-kumulang P49.2 milyon cash pledges ang natanggap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy nitong relief drive para sa mga pamilyang naapektuhan ng severe tropical storm Paeng (international name: Nalgae).
Base sa naging pahayag ni Speaker Romualdez kasabay ng ang Batasang Pambansa Complex ay naging isang mataong hub para sa pagre-repack ng mga relief goods mula noong nakaraang weekend.
Nabatid na patuloy na nadadagdagan ang tulong pinansyal dahil sa panawagan ni Romualdez sa publiko ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo kung saan umabot sa P35 milyon noong unang bahagi ng Linggo.
Bukod sa P49.2 milyon, sinabi ni Romualdez, na kumakatawan sa 1st district ng Leyte, ay nakatanggap din ng mga pangako ng tulong mula sa pribadong sektor, na nakatuon sa pagtulong sa mga kinakailangang relief packs.
Ilan sa mga relief goods na naipadala na sa mga biktima ng bagyo sa Cavite at Laguna.
Pinangunahan ni Romualdez kasama ang may bahay nitong si House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez; at House Committee on Appropriations chairman, Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang pangangalap ng tulong.
“Tuluy-tuloy po ang relief drive at operations ng Kongreso para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa tulong ng mga staff ng Office of the Speaker at sa mga Secretariat employees ng House of Representatives. Asahan po ninyo na ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo,” sabi ng lider ng Kamara.
Nag-donate din ang ilang empleyado at opisyales ng Kamara used clothes at iba pang mahahalagang bagay na magagamit ng typhoon victims.
Simula ala-1:00 ng hapon ngayong Lunes, inaksyunan na nina Speaker Romualdez at Rep. Yedda Romualdez ang hiling na financial o food assistance sa mga miyembro ng Kamara kabilang sina Reps. Emmanuel Billones (Capiz, 1st District), Jane T. Castro (Capiz, 2nd District), Carlito S. Marquez (Aklan, 1st District), Teodorico “Ted” Haresco Jr. (Aklan, 2nd District), Ferjenel G. Biron (Iloilo,
4th District), Gerardo Valmayor Jr. (Negros Occidental, 1st District), Antonio Legarda Jr. (Antique, Lone District), Mohamad P. Paglas
(Maguindanao, 2nd District), Bai Dimple I. Mastura (Maguindanao at Cotabato City, 1st District), David “Jay-jay” C. Suarez (Quezon, 2nd District), dating Speaker Lord Allan Velasco (Marinduque, Lone District), House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (Zamboanga City, 2nd District), Mercedes K. Alvarez (Negros Occidental, 6th District), Maria Theresa V. Collantes (Batangas, 3rd District), Sittie Aminah Q. Dimaporo (Lanao del Norte, 2nd District).
Gayundin sina Cavite Rep. Lani Mercado Revilla (Cavite, 2nd District), Ramon Jolo B. Revilla III (Cavite, 1st District), at Marlyn “Len” B. Alonte (Biñan City, Lone District), Raul “Boboy” C. Tupas (Iloilo 5th District), Rene Ann Lourdes Matibag (Laguna, 1st District), Bryan Revilla (Agimat, party-list), James “Jojo” Ang (USWAG ILONGGO, party-list), Antonio A. Ferrer (Cavite, 6th District), Adrian Jay C. Advincula (Cavite, 3rd District), Roy Loyola (Cavite, 5th District), Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. (Cavite, 4th district), Aniela Bianca D. Tolentino (Cavite, 8th District), Joseph “Jojo” Lara (Cagayan, 3rd District), at Dan S. Fernandez (Santa Rosa City, Lone District).
Tinugunan din nina Romualdez ang hiling na tulong nina Governors Fredenil “Fred” H. Castro ng Capiz at Florencio “Joeben” T. Miraflores ng Aklan.
Sa pakikipagtulungan ni Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo, sinabi rin ni Romualdez na ang mga unang pangalan ng kanyang mga kasamahan na humingi ng tulong sa kanila ay makakatanggap din ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng departamento.
Samantala, ang eksena sa Batasang Pambansa gayundin ang pagsisikap ng mga empleyadong nagboluntaryong mag-repack ng mga relief goods noong Linggo ng gabi ay nakaantig kay Speaker Romualdez at lalong nagpalakas ng loob sa Kamara na makarating sa mga taong nangangailangan ng tulong sa lalong madaling panahon.
“Salamat sa mga staff ng Office of the Speaker at sa mga Secretariat employees ng House of Representatives sa pagbibigay ng oras para sa ating relief operations. Tuluy-tuloy po ang kanilang pagtulong kahit na walang pasok sa opisina para lamang maihatid ang mga relief goods sa mga nangangailangan nating kababayan. Saludo po ako sa inyong lahat!” pahayag pa ni Romualdez. (Cesar Barquilla)