Advertisers
NASAWI ang isang sanggol sa pumutok na cellphone charger at pagkasunog ng bahay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sa ulat, residente ang biktima ng SPDA Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat.
Sa ulat ng BFP-DOS, pumutok ang isinaksak ng cellphone charger at nagliyab ang apoy sa loob ng bahay.
Ayon sa report, gawa ang bahay sa light materials kaya agad na kumalat ang apoy at nasunog ang natutulog na sanggol.
Naglalaba ang ina sa labas kaya hindi na nito nagawang iligtas ang kanyang sanggol, habang nagtratrabaho ang kanyang ama.
Nagpaalala ang BFP-DOS sa mamamayan na mag-ingat at ‘wag bumili ng substandard na cellphone charger.