Advertisers

Advertisers

Caretaker ng simbahan minartilyo sa ulo, patay

0 195

Advertisers

ARESTADO ang salarin sa pagpatay ng isang caretaker ng simbahan gamit ang martilyo sa loob ng Archdiocesan Shrine ng San Roque sa Barangay Mambaling, Cebu City.

Kinilala ang naaresto na si Jerry Casio Jr., 21 anyos; at ang biktima ay kinilalang si Pelagio Marine, 40.
Base sa inisyal na imbestigasyon, habang natutulog si Marine ay palihim na pumasok sa kuwarto nito si Casio at minartilyo ng ilang beses ang ulo, dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Nag-ugat ang krimen nang pagbawalan ng biktima ang salarin na gumala sa loob ng simbahan.



Samantala, ipinag-utos na ni City Director, Police Colonel Ireneo Dalogdog, ang pagsagawa ng masusing imbestigasyon para malaman ang pagkakasangkot ng salarin sa robbery with frustrated homicide incident noong Oktubre 26, 9:00 ng gabi sa skywalk sa harap ng isang paaralan.

Modus nito ang gumamit ng martilyo.

Kasalukuyan nakadetain sa Mambaling Police Station si Casio at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.