Advertisers

Advertisers

Gang leader arestado sa droga

0 196

Advertisers

ARESTADO sa buy bust operation ang notorious ‘Contreras’ criminal gang leader na sangkot sa robbery hold-ups at carnapping sa lalawigan ng Bulacan at 16 iba pa.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Director Brig. General Cesar Pasiwen, kinilala ang nadakip na suspek na si Jannel Contreras alyas Miyaw, 33 anyos, ng Brgy, Sta.Ines, Plaridel.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, si Contreras ay most wanted sa regional at provincial level.



Sa ulat, 5:40 ng hapon, nang madakip si alyas Miyaw. Nakumpiska sa kanya ang 4 plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00 at marked money.

Habang arestado rin ang 7 drug dealers at 9 na wanted persons sa ika-4 na araw ng PNPs SACLEO.(Thony D. Arcenal)