Advertisers
BANGKAY na nang makita ang nawawalang dalagitang estudyante mula sa Ateneo de Naga University.
Ang biktima ay nawala ng tatlong araw.
Ayon sa report, natagpuan sa madamong bahagi ng Zone 3, Jacob Street, Barangay Cadlan sa bayan ng Pili, Camarines Sur ang katawan ng 18 -taon gulang na estudyante.
Sa ulat, dalawang bata ang nakakita sa bangkay ng dalagita.
Nang makita ang katawan ng biktima, may takip ito ng mga supot ng semento at tinabunan pa ng lupa.
Inaresto naman ng mga awtoridad ang tinuturong salarin na 18- taon gulang na lalaki, na isang pedicab drayber.
Sa kasalukuyan, nakakulong ang suspek na hindi pinangalanan sa Pili Municipal Police Station.