Advertisers
TUBA, Benguet – Ang dalawang bangkay ng babae na natagpuan sa may bangin sa Sitio Inonas, Barangay Taloy Sur dito noong Lunes, Oktubre 31, ay anak at pamangkin ng isang aktibong pulis.
Kinilala ni Staff Sgt. Albert Peralta Quiros ng Pozorrubio Municipal Police Station sa Pangasinan ang mga biktima na kanyang anak na si Andrea Rabara Quiros, 19 anyos; at pamangkin na si Anika Columbiano Principe, 16, kapwa residente ng San Vicente, Urdaneta City, Pangasinan.
Positibo niyang kinilala ang mga biktima nang sadyain niya ito sa Tuba Municipal Police Station nitong Nobyembre 1.
Ang dalawang bangkay ng babae ay nadiskubre ng isang residente at ipinagbigay-alam sa pulisya 1:30 ng hapon noong Oktubre 31.
Ang kamay ng mga biktima ay nakatali at ang kanilang bibig ay naka-packing tape.
Ang mga biktima ay magkasama nang mawala.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyin ang pulisya sa krimen.