Advertisers

Advertisers

DepEd kinumpirma ang pagbawi sa mga gadget, laptop sa mga guro

0 272

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) ang pagbawi ng kagawaran sa mga gadget na inisyu sa mga guro noong kasagsagan ng pandemya sa bansa.

Pahayag ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ipinahiram lamang sa mga guro ang mga ito noong lockdown para magamit sa blended learning.

Ang mga laptop at gadgets na binawi aniya ay ang mga ginagamit ng mga estudyante sa mga computer laboratory sa eskwelahan.



Malinaw din aniya na nakasaad sa memorandum order na inilabas ng DepEd noong April 2020 na obligado ang mga guro na ibalik ang mga gadget kapag balik-normal na ang operasyon ng mga klase.