Advertisers

Advertisers

EX-DICT CHIEF KINUWESTYON SA KORTE SUPREMA ANG BILANGAN NOONG ELEKSYON

0 196

Advertisers

PINAGPAPALIWANAG ni dating Information and Communication Technology (DICT) Officer-in-Charge Undersecretary Eliseo Rio ang Commission on Elections hinggil sa kuwestiyunableng bilangan ng boto nitong 2022 national elections.

Naniniwala si Rio na imposible makapaghain ang mga prisinto ng 20 milyong counted votes sa loob ng unang oras ng bilangan ng boto.

Dahil dito ay nagpasaklolo si Rio sa Korte Suprema, kungsaan nagsumite ito ng ‘writ of mandamus’, na sa oras na maaprubahan ay mismong ang Kataas-taasang Hukuman na ng bansa ang magpapapaliwanag sa Comelec, kung paano nito nabilang ang 20 million votes sa unang oras pa lamang ng bilangan ng boto.



Kasama ni Rio na nagsumite ng nasabing petisyon si “running priest” Father Robert Reyes, na aminadong hindi naniniwala sa nakuhang mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.