Advertisers

Advertisers

Most wanted sa kasong rape, huli sa Caloocan

0 180

Advertisers

Arestado sa kasong rape ang most wanted na suspek sa isinagawa operasyon sa pakikipag-ugnayan ng Caloocan City Police Station (CCPS) kung saan nanguna si PMaj. Jeraldson Rivera, at ng Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion (MFC-RMFB) na pinangunahan ni PMaj. Vilmer Miralles.

Kinilala ang suspek na si Lourence Cardines, 25 anyos.

Sa ulat, naaresto ang suspek sa kaniyang tahanan sa Barangay 67, Caloocan sa ilalim ng Warrant of Arrest sa kasong kriminal at walang kaukulang piyansa.



Nagpahayag ng pasasalamat si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa patuloy na pagtugon ng kapulisan sa kaniyang hamon na linisin ang listahan ng mga ‘Most Wanted’ sa lungsod.

“Kinikilala po natin ang CCPS sa inyong pagsisikap na mapanatiling payapa at ligtas ang Caloocan. Salamat po sa inyong mga operasyon kontra krimen, lalo na sa pag-aresto sa mga most wanted ng bawat distrito sa lungsod,” wika ni Mayor Along.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Investigation and Detective Management Section-Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) ng CCPS at mahaharap sa Republic Act 8353 o “An Act Expanding the Definition of the Crime of Rape and Reclassifying the same as Crime Against Persons.”(BR)