Advertisers

Advertisers

Pagsuot ng face mask sa opisina, establisyemento boluntaryo nalang – DOLE

0 187

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panuntunan sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa loob ng mga establisyemento.

Batay sa labor advisory na inilabas ng DOLE, sinabi dito na sinasang-ayunan nila ang pagsunod sa Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na voluntary na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor setting.

Nakasaad sa advisory na maaring magsuot ng mga face mask kapag nagtutungo sa mga healthcare facilities gaya ng clinics, laboratories, hospitals, nursing homes, dialysis center at iba pa.



Ipapaubaya naman ng Labor department sa mga employers ang pag-monitor sa kanilang empleyado kung nakakaranas ang mga ito ng sintomas ng COVID-19.

Nilinaw naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang kanyang pinirmahang Labor Advisory No. 22, Series of 2022, na may titulong “Guidelines on the Voluntary Wearing of Face Marks in Workplaces” ito naman daw ay hindi pilitan.

Dapat pa rin daw na magkatuwang ang mga employer at empleyado na tiyakin ang ligtas at “healthful working conditions.”