Advertisers

Advertisers

Sekyu ginahasa ang pamangkin ni misis

0 255

Advertisers

KULONG ang isang security guard nang ireklamo ng “Rape’ ng menor de edad na pamangkin ng misis sa Parañaque City.

Naiyak nalang ang suspek nang arestuhin ng mga pulis sa kaniyang pinapasukan sa Parañaque City.

Napag-alaman na may kasong 6 counts rape ang suspek. Sa rekord ng pulisya, ginahasa umano niya ang menor de edad na pamangkin ng kaniyang misis. Bukod dito, No. 4 most wanted din siya ng Parañaque Police.



“Nag-background check kami sa kaniya upon issuing ng warrant of arrest. In-interview din natin ‘yung biktima niya and nakakuha tayo ng konting tip,” ani Police Major Edwin Lacostales, hepe ng Investigation Division ng Parañaque City Police.

Itinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya. Hindi aniya ito magagawa lalo pa’t misis niya ang nag-alaga sa sinasabing biktima.

Dagdag pa ng suspek, posible na nagalit lang ang mga magulang ng bata dahil minsan niya itong napagbuhatan ng kamay nang sagutin ang kaniyang misis.

Kung may nangyari raw sa bata imposibleng siya ang may kagagawan.
“Ang lumabas sa medico legal na nagalaw ang bata mula November hanggang December, eh nung

November lumipat kami ng bahay,” anang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">