Advertisers

Advertisers

1 patay, tserman, 2 pa sugatan sa ambush

0 154

Advertisers

ISA ang patay at 3 ang sugatan kabilang ang isang barangay chairwoman nang tambangang sa bahagi ng Sumisip, Basilan.

Kinilala ang nasawi na si Ismael Halik, ng Barangay Guiong, Sumisip.

Nilalapatan naman ng lunas sa Basilan General Hospital sa Isabela City ang mga sugatan na sina Ahya Alpara, chairwoman ng Brgy. Guiong; Adil Alpara; at Hadidja Alpara.



Sa report, 5:20 ng hapon nang tambangan ng mga ‘di nakilalang mga salarin ang mga biktima sa Brgy. Sumisip Central.

Ayon sa ulat, papauwi na ang mga biktima sakay ng isang pick-up truck galing sa Isabela City nang paputukan ang mga ito sa bahagi ng Brgy. Sumisip Central .

Nasawi noon din si Halik sanhi ng tama ng bala sa katawan, at sugatan ang 3 kasama. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang isinasagwang imbestigasyon ng mga otoridad.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">