Advertisers

Advertisers

6 patay sa sunog sa Navotas City

0 192

Advertisers

ANIM na miyembro ng pamilya ang nasawi kabilang ang apat na menor de edad, nang makulong sa nasusunog na bahay sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City, Biyernes ng umaga.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga nasawi na sina Donsito Boiser, 41 anyos; Reynosa Muscoso, 41; Raymond Boiser, 10; Arriana Boiser, 3; Reinna Boiser, 2; at Natalia Boiser, 14.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal lamang ng 23 minuto at idineklarang fire out 5:44 ng umaga.



Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.