Advertisers

Advertisers

Higit 100 bahay naabo sa kandila sa Cebu

0 170

Advertisers

NATUPOK ang nasa mahigit 100 kabahayan na ang itinuturong dahilan ay ang napabayaang kandila na nakasindi sa Cebu City nitong Martes.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa Sitio Tugas, Barangay Mambaling.

Ayon sa mga bumbero, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit.



Naging pahirapan din ang pagresponde ang mga bumbero dahil sa masikip ang daanan.

Nangyari ang insidente noong Undas at may nagsindi umano ng kandila at napabayaan.

Wala namang nasaktan sa sunog pero aabot sa mahigit P2 milyon ang halaga ng pinsala nito, ayon sa ulat.