Advertisers
BOLUNTARYONG sumuko sa Datu Odin Sinsuat LGU ang bumaril-patay sa nurse sa Dinaig District Hospital sa Dalican, Datu Odin Sinsuat Maguindanao nitong Huwebes.
Kinilala ang salarin na si Manalao Nur alias “Bots”.
Si Nur ang itinuro ng mga saksi na bumaril sa ‘on duty nurse’ na si Nelson Mantawil noong Oct. 27.
Sinabi ni Maguindanao PNP Spokesperson, Major Reggie Albellera, na kusang sumuko ang salarin kay Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester Sinsuat.
Ayon kay Major Albellera, pinuntahan ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Lt. Colonel Nelson Madiwo ang bahay ni Mayor Sinsuat upang kunin ang salarin at dalhin sa police station.
Inihahanda na ang kasong murder na isasampa kay Nur.