Advertisers

Advertisers

Laging present dati sa pagtulong…Angel nawawala sa nakalipas na bagyong Paeng; Maine at Arjo bakasyon-grande sa Netherlands

0 280

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING netizens ang naghahanap kay Angel Locsin.
Isa kasi si Angel sa mabilis rumesponde kapag may kalamidad.
At di naman puwedeng wala ang presensya ni Angel kapag may mga bagyo.
Kaya nanibago ang netizens at tila di nila nasilayan si Angel sa nagdaang bagyo na kinasanayan na itong to the rescue agad.
Sadyang na-miss ang presence ni Angel sa nagdaang bagyo dahil sanay ang netizens sa pagsugod at pagbibigay ayuda ng aktres sa mga biktima ng bagyo.
August ang huling post ni Angel sa kanyang socmed na nagbakasyon sila ng kanyang mister na si Neil Arce sa Segovia, Spain.
Kasabay na rin ang pagpunta nila sa Spain ang kanilang honeymoon.
Ayon sa tsika na doon na rin sa Spain mag-spend ng Christmas season at New Year ang couple.
Baka doon na rin sa Spain bumuo ng kanilang panganay ang mag-asawa.
***
NAGBAKASYON grande ang couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Netherlands.
Pinusuan ng soon to be mother in law na si Sylvia Sanchez ang solo pics ni Maine na kanyang ipinost na di kasama ang bf na si Cong. Arjo.
May mga tsika rin dati na nasa Armsterdam at may sitsit na nasa Italy ang magkasintahan.
Happy ang Maine fanatics at masaya na naman ang kanilang idol this coming Holiday season sa piling ng kanyang mahal.
Well, well, well…’Yun na!