Advertisers

Advertisers

Marian at Dingdong nagpakilig sa X-mas Station ID ng GMA

0 203

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PASKO na!
At isa sa mga hudyat nito ay ang pagpapalabas (sa unang pagkakataon) ng Christmas Station ID ng GMA Network para sa taong 2022.
Mapapanood ito bukas, araw ng Linggo sa All-Out Sundays!
Ilan sa Kapuso prime stars na kasali sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alden Richards, Bea Alonzo, at Heart Evangelista sa GMA Network’s 2022 Christmas Station ID na pinamagatang “Love is Us this Christmas.”
Kilig ang hatid ng eksena nina Marian at Dingdong sa mga manonood, samantalang naglaan naman ng oras si Heart mula sa kanyang nakapa-busy na schedule para makasali sa annual Kapuso Christmas Station ID na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pag-ibig!
Samantala, patutunayan naman ng Start-Up PH lead stars na sina Alden at Bea ang tunay na kahulugan ng Pasko, ang pagmamahalan ng bawat isa.
Pinangunahan naman ni Jessica Soho ang GMA News and Public Affairs pillars and anchors para sa taunang tradisyong ito ng Kapuso network.
Ang lyric video ng awitin bannered by Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ay nakatanggap na ng mga papuri at magagandang komento mula sa publiko matapos itong ma-upload kamakailan.
Kaya mga Kapuso at mga Ka-Sparkle makikanta na sa inyong pabortiong artista ngayong Linggo at patunayan natin na “Love is Us this Christmas”!
***
BAGONG episode ang mapapanood mamayang Sabado ng gabi sa Magpakailanman sa GMA, ang Born To Be A Queen!
Ito ay ang inspiring na buhay ng isang drag queen, si Edwin Luis (Royce Cabrera), na bata pa lang ay alam na niyang isa siyang bakla. Hindi ito tanggap ng kanyang nanay na si Lily (Candy Pangilinan) pero supportive naman ang tatay niyang si Rudy (Benjie Paras).
Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, sumama si Edwin sa tatay niya.
Nakapag-aral ng ballet si Edwin at dahil dito, nakapagtrabaho siya bilang showgirl sa Japan. Bumida rin siya sa mga drag shows doon at unti-unting gumanda ang buhay niya at ng kanyang pamilya.
Pero sa kabila ng tagumpay niya, malululong si Edwin sa droga. Bakit ito nangyari? Maaayos pa ba niya muli ang kanyang buhay?
Kasama rin sa cast ng Born To Be A Queen si Mama Ten bilang Mama San.
Ito ay sa direksyon ni Monti Parungan, research ni Cynthia delos Santos sa panulat ni Vienuel Ello.
Napapanood ang Magpakailanman o #MPK sa GMA, 8:15 pm.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng Magpakailanman o #MPK.