Advertisers

Advertisers

2 bus driver nakapatay kay Chit Estella, guilty

0 17

Advertisers

Matapos ang 13 taong legal battle nakamit na rin ng pamilya ng beteranong mamamahayag na si Chit Estella-Simbulan ang katarungan nang mahatulan ng Quezon City RTC na guilty ang dalawang bus driver sa malagim na aksidente na ikinasawi ni Estella.

Sa siyam na pahinang desisyon ng Quezon City RTC Branch 83,

napatunayang guilty ang mga drayber ng bus na sina Daniel Espinosa at Victor Ancheta sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide.



Iniutos ng korte na makulong ang dalawang akusado ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw.

Dahil walang kakayahang magbayad ng danyos ang dalawang akusado, inatasan ng korte ang may-ari ng bus companies na magbayad ng P7.46 milyon at attorney’s fees sa asawa ni Estella na si retired University of the Philippines (UP) professor Roland Simbulan.

Nasawi si Estella-Simbulan noong May 13, 2011 habang binabagtas nito ang Commonwealth Avenue, Quezon City patungo ng UP Ayala Technohub.

Dahil sa mabilis na pagmamameho ni Ancheta ng bus, bumangga ito sa taxi na sinasakyan ni Estella-Simbulan..

Mabilis itong pumihit patungo sa bus na minamaneho ni Espinosa at saka tumama sa likuran na bahagi ng bus.
Sinabi ng korte na hindi mangyayari ang salpukan kung naging maingat sa pagmamameho ang dalawang bus driver.

Sa huling bahagi ng desisyon ng korte, kinilala ni presiding judge Ralph Lee ang naging malaking kontribusyon ni Estella-Simbulan na isang University of the Philippines Professor at magaling na academician at journalist.



Si Simbulan ang co-founder at trustee ng VERA Files. Nagsilbi rin na managing editor ng Manila Times at editor-in-chief ng Pinoy Times.