Advertisers
NAGBABADYANG tumaas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo habang may namumuro namang kaunting rollback sa diesel at kerosene.
Nasa P0.86 na ang bawas sa presyo ng diesel sa world market, habang P0.85 naman sa diesel.
Nadagdagan ng P0.44 kada litro ang presyo ng gasolina sa merkado.
Dalawang linggo nang may maliliit na rollback mula sa bigtime oil price hike nitong Oktubre.
Mino-monitor naman ng ibang oil players ang halaga ng piso laban sa US dollar. Kapag lalo pang humina ang piso kontra dolyar dahil sa malaking interest rate hike sa Amerika, masasapul ang sangkaterbang imported goods, kabilang ang petrolyo.
Binabantayan din ang epekto ng bawas-produksyon ng langis ng OPEC Plus at ang European ban sa Russian Crude simula Disyembre na maaaring makaapekto sa presyuhan ng langis sa world market.
Walang kontrol ang gobyerno sa presyo ng petrolyo sa Pilipinas dahil sa Oil Deregulation Law.
Sinubukan dati ng Department of Energy na himayin ang fuel prices pero kinasuhan sila ng mga oil company kaya hindi natuloy ang proseso.