Advertisers

Advertisers

Pulis natagpuang patay sa barracks

0 216

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang isang pulis sa loob ng barracks nito sa kampo ng Regional Mobile Force Batallion – Central Visayas (RMFB-7) sa Barangay Bahay, Sibonga, Cebu nitong Miyerkules, Nobyembre 2.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Edgardo Pilariz Silva, Jr., 32 anyos, residente ng Tanjay, Negros Oriental at isang non-commissioned officer ng pulisya at assistant for operations ng naturang kampo.

Huling nakita si Silva na nagsasagawa ng dry fire sa loob ng kanyang silid bago ito nadiskubre ng mga kasamahan na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo. May tama ito ng bala habang hawak ang kanyang service firearm.



Narekober naman ng mga imbestigador ang kanyang 9mm service firearm at kargado ng bala.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng pagkasawi ng pulis.